WebClick Tracer

Belmonte napikon, binuweltahan mga basher! – Abante Tonite
Skip to content
Abante Tonite
  • NEWS
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • BLIND ITEM
  • OPINION
  • LIFESTYLE
  • HOROSCOPE

Belmonte napikon, binuweltahan mga basher!

Mar 21, 2020 (Mar 21, 2020) Abante Tonite

Binuweltahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga bashers sa social media na bumatikos sa kaniya na nagsasabing ngayong panahon na kailangan siya upang masawata ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay hindi ito nakikita ng kaniyang mga constituents.

Sa post ni Mayor Belmonte sa kaniyang Facebook account, sinabi ni Mayor Joy na doon sa mga namumuhi sa kanya ay hindi niya inoobligang tanggapin ang anumang proyekto niya sa lungsod gaya ng housing, education, healthcare, at social benefits.

“To those who hate me, you are under no obligation to accept any of my projects…that means there will be more for those who truly have faith in me as their leader,” anang Mayora.

Giit niya, sa sinumang namumuhi o nagagalit sa kaniya ay ipakita na lamang nila sa pamamagitan ng halalan sa 2022.

“Show your hatred for me at the polls in 2022 because the people who want to be served and patiently wait for it dont deserve for their lives and that of their families to be politicized,” ayon pa kay Mayor Belmonte.

Kasabay nito, sinabi ng alkalde na sa lahat ng naniniwala naman umano sa kaniya, tiniyak niyang hindi ito pababayaan at kaniyang ipaglalaban hanggang sa tuluyang mapuksa ang nasabing virus.

“To the few who still believe in me, i told you i would never let you down and i wont. I will fight for you, until together we vanquish this virus,” anang alkalde.

Pinasalamatan naman ni Mayor Belmonte sina Cong Queenie Gonzales, Kris Aquino, Boy Abunda, Angelie Pangilinan, Sen. Imee Marcos, Sen Bong Go, Mayor Sara Duterte at ang TEam QC sa todo-suportang ipinamalas sa lungsod.

Una dito ay pintukte ng bashers sa social media kung saan ay sinasabing hindi dapat ipagkait ng alkalde ang mga proyekto sa lungsod dahil hindi naman kaniya ang perang gagastusin para dito, habang ang iba naman ay nagsasabing lilipat na lamang umano sila sa ibang lungsod, subalit ilang minuto lamang ay na-delete agad ang lahat ng mga bashers sa socmed.

Tanging ang komento lamang ng Work is Life ang nakuha na nagsasabing…’Wag naman po ganon madam, kritiko mo man po or hindi dapat po bigyan pa rin kasi karapatan po nila yan. Kakalungkot lang.(Don’t be like that, madam, whether it’s your critic or you should not be given because it’s their right. Just sad).” (Dolly B. Cabreza)

Local News Angelie Pangilinan, Boy Abunda, COVID-19, education, Facebook account, Healthcare, housing, Kris Aquino, Mayor Joy Belmonte, Mayor Sara Duterte, Queenie Gonzales, Quezon City, Sen. Bong Go, Sen. Imee Marcos, social benefits

Post navigation

 Sinampolan! Pastor na nagpakalat ng fake news kinasuhanKabataang nahuli sa curfew hinawla ni kapitan 
Copyright © 2018 | Powered by WordPress. proBD - by Keramot UL Islam