Ihahayag muna ang selections ng 12 teams sa Gilas cadets sa special draft bago ang pilian sa 42 regular players mamayang 4:00 p.m. sa Gatorade 32nd PBA Rookie Draft sa Robinsons Place Manila.

Ang first round draft order: Blackwater, Phoenix, Ginebra (mula Phoenix), Mahindra, Star (mula GlobalPort), San Miguel Beer (galing NLEX), Meralco, NLEX (mula TNT), Rain or Shine, Ginebra, Alaska at Phoenix (mula SMB).

Mula sa Gilas cadets, sa Elite mapapadpad si Mac Belo, si Matthew Wright sa Fuel Masters, si Kevin Ferrer sa Gin Kings, Russell Escoto sa Enforcers, Jio Jalalon sa Hotshots, Arnold Van Opstal sa Beermen at Chester Tolomia sa Elasto Painters.

Ang iba pa sa Gilas ay sina Ed Daquioag, Roger Pogoy, Carl Bryan Cruz, Von Pessumal at Alfonso Gotladera.

Ang Draft ang unang­ kilos ni incoming pro league Chairman Erick Arejola ng GlobalPort sa paghalili kay outgoing Robert Non ng SMB.

Natapyas sa regular hopefuls sina Kobe Charley Caluya na bumagsak sa fitness test ng Focus Athletics sa Rookie Camp Combine nung Martes at Miyerkules, at Jordan dela Paz na absent sa two-day event.

May pahaging na sina Blackwater owner Dioceldo Sy at si Belo para sa partnership sa 42nd season na sisiklab sa Nobyembre 20.

“Ang gandang makita sa headlines, ‘Blackwater acquires Belo.’ Di ba kalaban namin sa business yung Belo Essentials,” natatawang sabi ni Sy sa bisperas ng D-Day, kasunod ang hirit na: “We need a combo guard, and (Raffy) Banal can fill that gap for us. Ang laki pa niyang guwardiya.”

Ang 6-foot-4 forward na si Belo ay produkto ng FEU.

“Ang first dream ko naman is mag-PBA. Kahit sino ‘yung mag-pick sa akin, masaya ako.

Magandang team ang Blackwater at bagong team. Malaking opportunity para sa akin,” ani Belo.