Ben Affleck hiwalay na sa Playboy model

Ang Playboy model na si Shauna Sexton ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Ben Affleck at ang TV producer na si Lindsay Shookus.

Kalagitnaan ng August nang mag-meet ang modelo at ang actor. Nagsunod-sunod ang pagde-date nila hindi in a cup of tea, kundi magkasundo sila sa pag-inom ng alcohol.

Unang nagdate ang dalawa sa Malibu. Hanggang sa lagi nang nakikita si Sexton na pumupunta sa LA home ng actor.

Si Affleck ay walang kontrol kapag umiinom. Hangga’t may nakitang alak sige lang nang sige. Naging alcoholic ang actor hanggang napasok na sa center kung saan ang ex-wife actress na si Jennifer Garner ang nagdala dito.

Naging outpatient si Affleck at nagpatuloy ang relasyon nila ni Sexton.

Kamakailan, muling naging laman ng print at social media ang actor at Playboy model. Nag-post ng mga picture si Sexton na kuha nilang dalawa ni Affleck nu’ng pumunta sila sa Big Sky, Montana.

But, after ng kanilang vacation biglang lumabas ang balitang hiwalay na ang dalawa kung saan pinatotohanan din ng Page Six.

Ano Affleck: “Battling any addiction is a lifelong and difficult struggle. Because of that, one is never really in or out of treatment. It is a full-time commitment. I am figh­ting for myself and my family.”

Ayon kay Affleck, nakipag-cool off siya sa Playboy model para makapag-concentrate sa pagpapagaling at sa pamilya after recently completing a 40-day stint in rehab.