Nagkabalikan na sina Ben Affleck at ang “Saturday Night Live” producer na si Lindsay Shookus. Ito ay matapos na makita ang dalawa na muling magkasama at naglalakad sa Los Angeles.
Matatandaang ang dalawa ay naghiwalay noong nakaraang taon.
Noong nakaraang buwan ay nagsimulang lumabas na magkasama ang dalawa.
Sinimulan din nina Ben at Lindsay ang paggawa ng mga public event.
Isinama ni Ben bilang ka-date si Lindsay sa premiere ng kanyang pelikulang “Triple Frontier.” Ito ang kauna-unahang opisyal na paglantad nila mula nang magkabalikan sila pagkatapos nilang magkahiwalay noong Agosto 2018 bago pumasok ulit sa rehab ang 46-anyos na aktor sa ikatlong pagkakataon.
Ayon pa sa isang source, sina Shookus at Affleck ay madalas nakikitang magkasamang lumalabas na mahigit na sa isang buwan. Dahil dito, hindi na nagtaka ang kanilang mga tagahanga sa pagbabalikan ng dalawa.
Ayon sa source, bago pa nagkahiwalay ang dalawa ay hinihikayat ni Lindsay si Ben na sumangguni o humingi na ng tulong para masolusyonan ang kanyang pag-inom. Kinukumbinse niya itong pumasok sa rehab para magamot ang kanyang pagkalulong sa alak. Tumanggi si Ben kaya hindi sila nagkasundo.
Pero ngayon, nagpupursige si Ben na mapabilis ang kanyang recovery.
Ang pamilya ang inspirasyon sa kanya para maging mabuting ama.