Ben, natawa sa BED SCENE nina Iza at Ian

Iza Calzado at Ian Veneracion

NAKAKATUWA ang boyfriend ni Iza Calzado na si Ben Wintle na all-out ang suporta sa aktres.

Dumalo ito sa celebrity premiere ng pelikulang Ilawod bilang suporta sa Kapamilya actress.

Kahit hindi niya naintindihan ang ibang Tagalog lines, kinikilabutan pa rin daw siya at hindi raw siya agad nakatulog.

Ramdam daw niya ang takot sa visuals pa lang, kaya alam niyang nakuha ng pelikulang ito ang takot factor na gustung-gusto ng mga manonood.

Hindi raw apektado si Ben sa ilang halikan nina Iza at Ian Veneracion. Natawa na lang daw ito nang sinampahan ni Iza si Ian sa kama.