Ben Tulfo ‘persona non grata’ sa Bacolod

Plano ngayon ng Bacolod City Council na ‘wag patapakin o itratong ‘persona non grata’ sa kanilang lugar ang commentator na si Ben Tulfo.

Ito ay matapos umano nitong batikusin si Mayor Evelio Leonardia dahil sa reklamo ng isang ‘Norma’ na hindi umano nito nabayaran sa isang basketball event na kanyang inorganisa sa Bacolod noong Oktubre, ayon kay Vice Mayor El Cid Familia­ran.

Sinabi ni Familiaran na ang akusasyon ni ‘Norma’ ay pawang kasinungalingan.
Itinanggi rin ng alkalde ang bintang laban sa kanya ng nasabing babae. (Prince Golez)