Ben&Ben vocalist pinapatalsik si Duque

Pinagbibitiw ni Ben&Ben vocalist Paolo Benjamin Guico si Department of Health Secretary Francisco Duque III.

Giit niya, hindi dapat isisi ni Duque ang kapalpakan nito sa iba.

Tinutukoy ni Guico ang pahayag ni Duque kung saan sinisi nito sa mga tauhan ang pagkaantala ng paglalabas ng kompensasyon para sa mga health worker na namatay o nakapitan ng COVID-19.

“Duque, please resign. Wag mong isisi ang iyong kapalpakan sa mga taong nagbubuwis-buhay para sa bayan. The country badly needs strong leadership in the DOH,” tweet ni Guico.

“After countless chances we’ve given you, it’s crystal clear with the numbers and facts: you have failed us. Please resign. Di rin pwedeng sabihing di binigyan ng respeto ang liderato mo. Binigyan ka ng lahat ng respeto dahil pinagkatiwalaan ka eh. sa pag-lead ng DOH sa gitna ng COVID-19 crisis pero binigo mo yun. numbers don’t lie.ngayon kami naman ang bigyan mo ng respeto.respectfully resign, sir,” dagdag niya. (IS)