Magiging abala ngayon ang mga manlalakbay sa Baguio partikular na sa Benguet dahil sa isasagawang 3-araw na Pilgrimage Walk at Climb for a Cause ngayong Mahal na Araw.

Ang nasabing pagtitipon o banal na aktibidad ay inorganisa at pinamunuan ng kura-paroko ng nasabing lugar bilang pag-obserba na rin ngayong Holy Week.

Magsisimula ito mula ngayong araw, Huwebes Santo at magtatapos sa Black Saturday kung saan ang magiging ruta ng mga hikers at pilgrims ang Kibungan Circuit Route na dadaan sa Brgy. Poblacion, Tacdang hanggang sa Palina.

Nabatid naman kay Charo Solimen, tourism officer ng Kibungan, Benguet, na ang malilikom na registration fee ay maidagdag nila sa mga proyekto ng kanilang simbahan.