Benilde, Beda abante sa NCAA chess Final 4

Pinoy chesser tuloy ang sulong sa labas

Pasok sa final four at twice-to-beat advantage ang San Beda University at ang defending champion College of Saint Benilde na tumapos ng 1-2 sa 9th National Collegiate Athletic Association 2019 chess tournament nitong Sabado sa SBU Campus sa San Miguel Maynila.

Tumapos ng 26.5 points ang CSB sa 9th round nang pataubin ang Mapua University, 3-1, habang binutata ng SBU Red Pushers naman ang Jose Rizal University, 4-0, para maka-26 markers.

Pumapangatlo ang University of Perpetual Help sa 20 pts. nang tambangan ang Emilio Aguinaldo College, 3.5 -0.5 habang ang Arellano University ang ika-4 nang i-checkmate ang Colegio de San Juan de Letran, 2.5-1.5, para sa 17 puntos sa torneo.

Tig-isang panalo na lang ang mga hahanapin ng Benilde at Beda upang makatuntong sa Finals. Kasalpukan ng Blazers ang Chiefs habang ang Red Pushers naman ay makakahanap ang UPH Altas sa semifinals na gaganapin sa Linggo. Sa Miyerkoles ang championship round.

Binistay naman ng titleholder Perpetual ang EAC, 3-1, upang umarangkada sa unang puwesto na may 28.5 pts. sa juniors division. Kasunod ang SBU sa 27.5 points na binokya ang JRU, 4-0. (Aivan Denzel Episcope)