Benitez, Rizal tutuldukan ang 5 kalbaryo vs Bulacan

Mga laro ngayon: (Davao City Recreation Center)
7 p.m. – Rizal vs Bulacan
9 p.m. – Davao Occ. Vs Valenzuela

Planong kalsuhan ni Mark Benitez ang 5 sunod na talo ng Rizal Golden Coolers sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims kapag nakatuos ang Bulacan Kuyas mamayang alas-7:00 ng gabi sa Davao City Recreation Center.

Kinapos ang 17 points ni Benitez makaraang manlamig ang Rizal laban sa Imus Bandera Khaleb Shawarma sa overtime nitong Lunes, 79-77, at mabaon sa Group A North Division 15th spot sa 3-14 win-loss mark.

Handa namang pamunuan ang Group A 7th-running Bulakeños (10-7) ni Lester Alvarez na nagtrabaho ng 21 markers nang daganan ng team niya ang Imus nitong Oktubre 14 sa Imus City Sports Center, 75-70, para maka-back-to-back victory.

Salang din sa alas-9:00 ng gabi ang Group B leader Davao Occidental (16-2) at nasa ika-11 sa Group A na Valenzuela (7-12). (Aivan Episcope)