Benjamin, unang lalaki na ipinakilala ni Julie Anne sa mga magulang niya

Julie Anne San Jose

AYAW sabihin ni Julie Anne San Jose na boyfriend niya si Benjamin Alves kahit obvious na may relasyon na sila.

“I think alam naman ng mga tao that we’re exclusively dating,” ang sey ni Julie Anne, na sa showbiz vocabulary ay good as boyfriend-girlfriend na ang ibig sabihin.

Tsika sa amin ng 22-anyos na Kapuso star, after ng kanyang graduation (sa Angelicum College ng MassComm course) nu’ng May 2016 sila nag-start mag-usap ni Ben at doon na nagsimula ang lahat.

Ang numero u­nong nagustuhan niya sa 27-anyos na Kapuso actor ay ang pagiging malapit nito sa pamilya dahil ganu’n din siya.

Si Benjamin ang u­nang lalaking ipinakilala ni Julie Anne sa kanyang mga magulang. As in ito ang first guy na nakapunta sa bahay niya.

Katwiran ng dalaga, mas gusto niya ‘yung sa bahay siya dinadalaw ni Ben, na madalas ay nakiki-bonding sa sisters niya.

Okey na okey si Ben sa parents ni Julie Anne dahil mabait ito.

Very welcome si Ben sa house nina Julie, pero hindi pa ito nakakapasok sa bedroom niya.

Nu’ng Christmas ay hindi lang si Ben ang nagbigay ng gift kay Julie kundi pati ang pamilya ng binata. At siya rin ay may gift para sa family ni Ben na nasa Guam.

Aminado ang bida ng Kapuso soap na Pinulot Ka Lang Sa Lupa na mas nakaka-inspire magtrabaho na meron kang special someone. Best friend din daw kasi niya si Ben.

Benjamin Alvez
Benjamin Alvez

“I’m happy with what we have right now,” ang nakangiting dayalog sa amin ng payat-payatan at blooming ngayon na si Julie Anne.

Isa sa pinaka-sweet na ginawa sa kanya ni Ben ay pinagluto siya nito minsan ng breakfast sa taping nila, tapos ay sabay silang kumain.

At sobra siyang na-touch nu’ng minsang dumalaw ito sa house niya na ‘yung bunso niyang 9-year-old sister na may injury ay inalagaan at nilinis ni Ben ang sugat.

Nakikita ni Julie Anne na hindi lang ito sa kanya concerned kundi pati sa family niya.

Hindi pa nami-meet ni Julie ang tiyuhin ni Ben na si Piolo Pascual, na ka-close nito.

May plano ang BenLie (tawag sa loveteam nina Benjie at Julie) na magbiyahe sa Guam para mag-‘meet the parents.’

Na-meet na ni Ben ang parents ni Julie, so gusto ring ma-meet ni Julie ang parents at buong pamilya ni Ben na nasa Guam.

Ang reel and real BenLie loveteam ay mapapanood sa TV remake ng 1987 movie ni Direk Ishmael Bernal na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Sa Enero 30 ang simula nito sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Hahamakin ang Lahat.