Bentahan ng paputok matumal

Matumal umano ang bentahan ng mga paputok sa Bocaue,Bulacan na tinawag na “Fireworks capital of the Philippines” dahil sa implementasyon ng gobyerno sa nilagdaang exe­cutive order (EO) ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017.

Alinsunod sa EO na inilabas noong 2017, nilimitahan ang paggamit ng mga paputok sa mga ‘community fireworks display area’ o lugar kung saan maaaring magpaputok nang sama-sama ang mga residente.

Sinabi ni Luisa Sayo, tindera ng paputok, binawasan niya ng 30% ang stock ng mga pailaw at paputok, at binawasan din ang oras ng bukas ng tindahan dahil sa matu­mal na benta.

Gayunman, umaasa si Sayo na lalakas pa ang benta sa paputok habang papalapit ang bisperas ng Bagong Taon.

Nalaman na kabilang ang tindahan ni Sayo sa ininspeksiyon kahapon ng mga tauhan ng provincial government ng Bulacan, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Department of Trade and Industry at Department of Science and Technology.

Nabatid na umabot sa 95 dealer at 29 na manufacturer ng paputok ang lisensiyado sa Bulacan. (Juliet de Loza-Cudia)