Sa kabila ng Enhanced Community Lockdown sa buong lalawigan ng Cavite nagawa pang nakipagtransaksiyon ang isang 55-anyos na balo ng tinatayang P60K halaga ng shabu na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto sa Bacoor City, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Bacoor City Custodial Center ang naarestong suspek na si Pepito Lorenzo, alyas Pong ng 151 5th St., Brgy Aniban 2, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Jeremiah Baniasa ng Bacoor City Police Station, dakong alas- 8:00 kamakalawa ng gabi nang nagsagawa ng buy bust operation ang mga elemento ng Bacoor CPS at PDEA Cavite at sa kabila ng ipinapatupad ng Enhanced Community Quarantine at Curfew ay nagawa pang nakipagtransaksiyon ang suspek at sa poseur buyer sa nasabing lugar.

Sa isang itim na case ng eyeglass iniligay ang suspek ang tinatayang 15 gramo ng shabu na nagresulta sa kanyang pagkakahuli kung saan narekober ang hinihinalang shabu na may street value na P60,000.

Samantala, patay naman si Jeorgie Badiang, nasa wastong gulang ng Sitio Bisaya Amuntay Road Brgy Zone 3, Dasmarainas City Cavite na sa kabila ng mahigpit na checkpoint na ipinapatupad ng Cavite police ay nagawa pa itong nakipagtransaksiyon sa pouser buyer dakong alas-5:00 kamakalawa ng hapon sa Sitio Bisaya Amuntay Road Brgy Zone 3.

Pero nang napansin na napaligiran ito ng mga awtoridad, imbes na sumuko ang suspek ay nagtatakbo ito habang lumaban ng putok sa mga pulisya na nauwi sa enkuwentro at nagresulta sa kanyang kamatayan.

Narekober sa suspek ang isang baril, buy bust money at hinihinalang shabu. (Gene Adsuara)