MAMAYANG gabi na ang ­Sincerely Gabbi, ang 18th birthday party ng Kapuso Teen Princess na si ­Gabbi Garcia.

Nu’ng December 2 nag-18 si ­Gabbi, pero tonight ang kanyang ­belated celebration sa Diplomatic Hall ng Marriott Hotel.

Isang green serpentine gown na ­gawa ni Mark Bumgarner ang main gown ng debutante.

Ni-request ni Gabbi na berde ang pan-debut niya.

Berdebut!

Bukod sa ito ang kulay ng karakter ­niya sa Encantadia na si Sang’gre Alena na napa­mahal na sa kanya, ­success ang sinisimbolo ng berde.

Si Bumgarner din ang gumawa ng isa pa niyang gown na silver. Ang ­afterparty dress niya ay gawa ni Martin Bautista.