Bernard labis ang pangungulila kay Miko

Finally ay nagsalita na rin si Bernard Palanca hinggil sa pagyao ng nakababatang kapatid na si Miko Palanca.

Dalawang linggo matapos ang pagpanaw ni Miko, nag-post si Bernard sa kanyang Instagram account ng kanyang nararamdaman. Nag-upload siya ng old photo nila ng kapatid noong maliliit pa sila at nakasakay sa bike.

Ayon sa aktor ay masakit na masakit pa rin sa aktor ang nangyari at wasak na wasak ang kanyang puso.

“It’s been a pretty insane two weeks…feels like years. I was put on this earth to protect and love you more than anybody else could ever do. All my life I’ve been by your side through everything.

“I have many unanswered questions, thoughts in my head for which words haven’t even been invented yet for them, and feelings I will never be able to understand nor explain.

“My heart is shattered and in so much pain bec of what happened and more so for how it happened.

“You (@mikopalanca), @martinhocson_ & @santihocson are always and forever gonna be my brothers for whom I will forever love and take care of without an ounce of doubt or question,” ang bahagi ng pahayag ni Bernard.

Kasunod nito ay nagpasalamat siya sa mga taong nakiramay sa kanilang pamilya at humingi ng dispensa na hindi agad naka-reply sa mga ito.

“To everybody that sent me messages and prayers, I wanna say I’m sorry for only replying now and I want to send each and every single one of you hugs and kisses for being there for me and my family but most of all, for Miko.

“My heart will never forget and never stop loving all of you. My brother was lucky to have friends like you. I love you all,” patuloy ni Bernard.

Sa huli ay nagpahayag din siya ng labis na pangungulila sa pumanaw na kapatid.

“I miss you so much dumbass(Miko) Pls,Pls,Pls behave up there…I love you, little bro! You rest now,” pagtatapos ni Bernard.

Matatandaang pumanaw si Miko last Dec. 8 at hindi na inihayag pa ng kanyang pamilya ang dahilan ng pagkamatay nito’t nakiusap sila ng pribadong pagluluksa.

Barbie biktima ng basag-kotse

Nabiktima ng basag-kotse gang si Barbie Forteza nitong bago mag-Pasko. Sa kuwento ng boyfriend ng aktres na si Jak Roberto sa kanyang YouTube vlog, nangyari ang insidente last Dec. 21 sa Scout Area, Timog and Tomas Morato, Quezon City.

Ayon kay Jak ay binasag daw ang salamin ng bintana ng kotse nina Barbie habang naka-park at ipinakita rin niya ang mga larawan ng nagkalat na salamin matapos itong basagin ng sindikato.

Nakuha raw ng mga kawatan ang bag ng ina ni Barbie and good thing, ang laman lang nito ay power bank at lipstick at wala naman daw nakuhang cash.

Pero siyempre, napakalaking abala at perwisyo pa rin ang naidulot dahil pinagawa pa nina Barbie ang nabasag na salamin at hindi magamit ang sasakyan.

Sabi pa ng ina ni Barbie ay naramdaman na niyang mangyayari ‘yun kaya tinanggal na niya ang mga mahahalagang gamit. It turned out na tama ang gut feel niya nang araw na iyon dahil hayun na nga, nangyari nga.

Nagpapasalamat naman si Jak na walang nangyaring masama sa girlfriend at sa pamilya nito dahil wala naman daw sila sa kotse nang basagin ito.