Bersola: No 1 ang volleyball

Kung para sa volleyball, lahat ay isasakripisyo ni veteran middle blocker Katherine Adrielle Bersola para makapaglaro sa kanyang koponang BanKo Perlas Spikers sa Premier Volleyball League.

Sa kanyang Instagram post, inalala kahapon ni Bersola ang kanyang mga nakalistang plano bilang isang medical student at pagiging atleta bago pinili ang paglalaro.

“Would’ve been Day 1 of #TheLastDance Spent months and countless sleepless nights last year thinking about whether I should play #OneMoreYear or go take my elective this summer abroad or just take a long overdue vacation before clerkship starts and the PGH life eats me up. Y’all know what I chose,” saad ng 24-year-old, 5-foot-11 volleybelle.

“Was super excited and was really preparing hard for this season, I even have a few new tricks up my sleeve. Excited na rin sana ako magsuot muli ng 8, sa wakas, Was also ready to go all senti and start writing my own #Dear Volleyball see what happens,” dagdag pa ng tapos ng Sports Science degree na summa cum laude honor sa UP-Diliman noong 2017.

Ngunit dahil sa coronavirus pandemic, kailangan munang maghintay ni Bersola, ng team at liga.

“Guess we’ll just have to wait and Napakahirap mo talagang iwan, (volleyball) at @perlasspikers. I miss you so much. #MedStudentAthleteLife” panapos ng dalaga. (Janiel Abby Toralba)