Best Beaches in the World, magkano naman kaya para mapasyalan?

Tunay na hindi kayang maipaliwanag ang nararamdaman kapag nakita ang ganda ng beach, lalo pa kung malaman mo na kasama ang nais mong destinasyon sa ‘Best Beaches in the World’.

Pero bago mo mara­ting ang mga dagat na nais mong puntahan worldwide, kailangan mo munang mag-ipon nang bonggang-bongga para makatapak sa mga mapuputi, makinis at magandang sand ng mga sikat na beach resort mula sa iba’t ibang bansa.

Narito ang ilan sa ­sikat na mga beach, mula sa US at iba pang bansa na puwede mong gawin lahat ang gusto mo basta may ipon ka lamang dahil tiyak na aprobado ito para sa nais mong ­quiet sandy retreats, para sa mga mahihilig sa surfing, makita ang ganda ng ilalim ng karagatan at mayroon din silang kid-friendly activities para sa mga bata na mainipin, sa presyong angat na angat talaga.

1. Pompano Beach, Florida

Average airfare: $278
Average hotel night: $124
Cost of a week for two: $2,125
Sikat ang Florida beaches dahil sa kanilang warm ocean waters, long stretches of golden sand, and tons of sunshine. Mas kilala din ito bilang ‘The Heart of the Gold Coast’ dahil nasa gitna ito ng ­Atlantic Ocean.
Ang Pompano Beach ay masasabing ­‘affordable and family-friendly ­alternative to other South Florida hotspots’ dahil nasa average lamang ang gastusin dito na kungsaan ang isang hotel room ay nagkakahalaga ng $124 a night. Kilala din ang ­Pompano Beach bilang No. 5 sa Best in Travel list.

2. Asbury Park, New Jersey

Average airfare: $293
Average hotel night: $185
Cost of a week for two: $2,676

Pinasikat ito ni Bruce Springsteen dahil nai-feature ito sa isa niyang pelikula dahil sa ganda ng beaches at boardwalk kaya enjoy ang mga surfer sa pagdayo dito.

Kailangan ding magbayad ng pass (weekdays $5/weekends $7) para makatapak sa magandang sand ng nasabing beach. Taglay ng resort na ito ang family-friendly activities kabilang na ang Silverball Museum ­Arcade.

Mayroon din itong The Stone Pony, isa sa mala­king music ve­nues sa lugar na mayroong annual Summer Stage concert series na kadalasang ginagawa ang concert nina New Found Glory, Boy George and the Culture Club, at Billy Currington.

3. Sag Harbor, New York

Average airfare: $386
Average hotel night: $350
Cost of a week for two: $,3651

Sikat ang lugar na ito sa family-owned groce­ries, antique stores and art galleries na makikita sa kalsada kaya naman enjoy ang shopping. Kabilang na malalaman mo ang history ng kanilang lugar kapag nakadayo ka rito tulad ng Revolutionary War at ang refuge for African-Americans noong Jim Crow era.

Punuan din ang pagpapa-reserve sa sikat na American Hotel na patok sa panlasa ng nais mala­man ang Sag Harbor’s history and culture. Ito ay itinayo noong 1846 at nananatiling “epicenter of Sag Habor life”, ayon sa Coastal Living.

Sikat na dayuhin ng mga pamilya ang Foster Memorial Long Beach sa Noyack Bay dahil sa calm and warm water na mainam para sa mga bata.

4. Long Beach, California

Average airfare: $301
Average hotel night: $178
Cost of a week for two: $2,508

Kasama rin ito sa listahan ng ‘must-visit destination for surfers’, ang Long Beach ay nabuo noon pang 20th century. Kalmado ang karagatan na mainam para sa re­creational swimmers at kabataan. Nagbibigay din sila ng iba’t ibang water sports activi­ties ­tulad ng kayak­ing at kite surfing.

Kalapit nito ang sikat na Alamitos at Junipero beaches na malapit din sa mga hotel and restaurant sa downtown Long Beach. Enjoy ang mga turista at dayuhan na mamas­yal sa lugar sakay ng maa-arkilang mga bisikleta at makita ang tanawin sa beachfront bike trails.