Muling magiging lugar ang Ateneo covered courts sa Loyola Heights, Quezon City ng volleyball at basketball classes ng multi-awarded Best Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center ) sa papasok na buwan.
Tatalbog ang clinics ng June 4-15 tuwing Martes, Huwebes at Sabado ng alas-8:00-alas-11:30 nang umaga.
Ang basketball clinics ay para sa mga estud-yante ng Preparatory Level, at Levels 1, 2, 3 at 4.
Nasa Levels 1,2 at 3 naman ang inaalok ng volleyball.
Hatid ang okasyon ng Milo at mga suportado ng Rain or Shine, Chris Sports at SKLZ.
Sa iba pang mga detalye: tumawag sa 372-3065 at 411-6260 o mag-E-mail sa bestcenter.inquiry@gmail.com. (Elech Dawa)