Best Center basketball & volleyball classes open pa

Best Center basketball & volleyball classes open pa

Tuloy ang pagtanggap ng award-winning Best Center ng enrol-lees para sa kanilang basketball at volleyball classes sa Ateneo College covered courts sa Quezon City hanggang ngayon.

Hinayag nitong Miyerkoles ni Nicanor ‘Nic’ Jorge, ang founding president ng Basketball Efficiency and Scientific Training Center, na nagbukas na ang classes nitong Lunes at tatatagal hanggang Hunyo 15.

Nakatakda ang bawat cage session tuwing Martes, Huwebes at Sabado ng alas-otso-alas-11:30 nang umaga.

Ang hoops classes ay para sa Preparatory Level at Levels 1, 2, 3 at 4. Samantalang sa indoor volleyball class ay Levels 1-3.

Ang Best Center ay Olympism awardee ng Philippine Olympic Committee (POC) at Hall-of-Fame na sa Philippine Sportswri-ters Association (PSA). Hatid ito ng Milo at mga suportado ng Rain or Shine, Chris Sports at SKLZ.

Sa mga detalye pa, kumontak lang sa 372-3065 at 411-6260 o mag-email sa bestcenter.inquiry @gmail.com.