Best rivalry sa NBA magbabalik?

Kasalukuyang nasa tuktok ng magkabilang conference ang una at pangalawang may pinakamaraming kampeonato sa NBA, ang Boston Celtics at Los Angeles Lakers.

Sila rin ang itinuturing na best rivalry sa NBA. Bakit? Balikan natin ang kanilang mga paghaharap.

Ang Celtics ay may 17 championship habang ang Lakers ay may 16. Sila’y nagharap na ng 12 beses sa NBA Finals.

Nagsimula ang paghaharap sa Finals ng dalawa noong 1959, kung saan nanaig ang Celtics at na-sweep ang serye.

Noong 60s halos taon-taon naghaharap ang dalawa ngunit parating Celtics ang nagkakampeon.

May siyam na beses nang nagwagi ang Celtics habang tatlo pa lang ang Lakers.

Nag-umpisa lang manalo ang Lakers sa 80s na kung saan sumikat ang karibalan ding Larry Bird-Magic Johnson.

Muling nagharap noong 2008 ang dalawa kung saan nilampaso nina Paul Pierce, Kevin Garnett at Ray Allen si Kobe Bryant habang 2010 naman bumawi si Bryant at iniuwi ang kampeo­nato sa Staples Center.

10-taon ang nakararaan, magbabalik bang muli ang rivalry ng dalawa?
Maganda ang itinatakbo ng bagong salta na si Kemba Walker sa Celtics habang ang bagong roster naman ng Lakers ay nagtutugma sa kanilang mga laro.

Ating abangan kung mapapanatili ng bawat isa ang kanilang magandang takbo hanggang dulo.
***
Ako’y masaya dahil may bago nang tahanan si 2003 1st, round 3rd overall pick Carmelo Anthony.

Maglalaro na siya para sa Portland Trail Blazers,­ kung saan makakasama ang backcourt duo nina Damian Lillard at CJ McCollum.

Mabagal ang simula ng Blazers ngayon at nasa 13th spot ng Western Conference standings tangan ang 4-8 win-loss record.

Subaybayan natin kung makatutulong ang presensya ni Melo upang makabangong muli ang Blazers sa mabagal na simula.
***
Kung may reaksiyon o gusto po ninyong magtanong, mag-email lamang po sa alecpaolo2016@ gmail.com. Patuloy niyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes alas-sais nang gabi sa Abante News Online. Maraming salamat po!