BEST Saturday classes balik sa Xavier

Balik ang Saturday-only classes ng BEST Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center) sa Xavier School ngayon.

Ala-1:00 hanggang 4:00 p.m. ang iskedyul ng clinics, ngayon na rin ang last day ng enrollment para sa Preparatory Level, Levels 1, 2 at 3.

May bagong sessions din para sa basketball at volleyball sa Ateneo College Covered Courts ngayong 8-11:30 a.m. Ang basketball sessions sa Ateneo ay para sa Preparatory Level, Levels 1, 2, 3 at 4, ang volleyball ay para sa Levels 1 at 2.

Umiskor naman ng dalawang panalo ang A­damson para mag-martsa na malinis ang kartada sa Best Center Passerelle basketball tournament sa Xavier School gym din. Unang biktima ng A­damson ang San Sebastian 59-36 bago isinunod ang Nazareth School of NU 58-41 tungo sa 6-0 card sa Group B.

Abante rin ang De La Salle-Zobel (5-1).

Winalis ng La Salle Greenhills-A (6-0) ang Group A, huli ang 77-73 win kontra pasok na sa semis na Ateneo (5-1).

Kinumpleto ng LSGH-A, San Beda College-Rizal, Ateneo at Xavier School-A ang Small Basketeers semis cast ng twin tournaments na inisponsoran ng Milo at suportado ng Chris Sports at Rain or Shine.