NEW YORK (AP) — Sa ikalawang sunod na taon, ang jersey ni Stephen Curry pa rin ang best-seller sa NBA.

Inihayag ng liga nitong Martes na base sa ­NBAStore.com sales, pinaka-popular pa rin nga­yong season ang jersey ng two-time league MVP ng ­Golden State Warriors.

Mas mabenta pa ang jersey niya kumpara kina LeBron James, Kevin Durant, Russell Westbrook at Kyrie Irving.

Ayon pa sa NBA, Warriors din ang may hawak ng best-selling merchandise bilang prangkisa ngayong season, kabuntot lang ang Cavaliers, Bulls, Lakers at Knicks.

Sampa sa top 15 ng jersey sales sa unang pagkaka­taon si Celtics guard Isaiah Thomas, nasa No. 14 siya. Mula No. 14 noong nakaraang season ay lumundag sa No. 9 si Bucks forward Giannis Antetokounmpo.

Career-best ni Westbrook ang ranking sa No. 4. Nakikipagkarera rin sa MVP race ang Oklahoma City Thunder star na nag-a-average ng triple-double ngayong season.

Highest appearance ni Bulls forward Jimmy Butler ang pagiging No. 8 sa listahan.