NAG-LAST taping day na nu’ng Miyerkules ng gabi hanggang kahapon nang madaling-araw ang My Love From The Star.
Sa Sherwood Hills Golf Club sa Cavite ang location ng taping, na base sa nakita naming IG Stories ni Jennylyn Mercado ay kasal nina Steffi at Matteo ang kinunang eksena.
Sa IG Stories ni Gil Cuerva ay nakita naming nagto-toast sila ng drinks ng co-stars niyang sina Gabby Eigenmann, Renz Fernandez, at Moi Bien habang nagpipiktyuran sila sa set.
“Happy last day, guys!” masayang sey ng chinito Kapuso heartthrob.
Memorable ang MLFTS para kay Gil dahil ito ang kanyang first acting job at pinakauna niyang teleserye.
Dahil dito ay mabilis siyang nakilala at nagkaroon ng fans.
Pinost din ng hunky model-turned-actor sa kanyang IGS ang last pack up niya na 5:38 AM ang time stamp.
Mami-miss ng JenGil fans ang nakatutuwang tambalan nina Steffi at Matteo kapag nagtapos na ang MLFTS.
Proud ang GMA kina Jen at Gil, na perfect ang pagkaka-cast bilang mga bida sa Pinoy version ng hit Koreanovela.