Beteranang aktres nagyosi sa bawal na lugar

tonite-pak-allan-dionesSa halip na mainis ay naaliw kami sa isang beteranang aktres na nahuli naming pasimpleng nagbi-vape sa isang presscon kamakailan.

Naaliw kami dahil hindi namin in-expect na sa edad niyang ‘yon ay gumagamit ang aktres ng vape (electronic cigarette) na in na in ngayon lalo na sa mga bagets.

Habang naghihintay na magsimula ang presscon, tila bored ang beteranang aktres kaya hindi nito napigilang hithitin ang kanyang e-cigarette.

Konti pa lang kasi ang tao sa loob ng venue at feeling siguro ni aktres ay walang makakapansin sa kanya. Kaya lang ay kitang-kita namin ang usok na ibinubuga niya mula sa vape na pasimple niyang hinihithit.

Hanep sa pagka-groovy ang senior actress, na sa edad niyang ‘yon ay umiral ang pagkapasaway kahit alam niyang bawal na bawal ang magyosi (kahit pa e-cig lang ‘yon) sa nasabing venue.

In fairness ay quiet lang si beteranang aktres habang nagbi-vape sa kanyang upuan. Ang kanyang dakilang yayey ay nasa likuran niya at patay-malisya sa ginagawa ng amo nito.

Sa nakita naming eksena na ‘yon ng senior actress ay naalala namin ang isang pasaway na aktor na buong ningning na nag-vape sa isang premiere night kamakailan.

Isang kilalang direktor ang nag-emote sa social media na nairita siya sa ginawang ‘yon ng aktor, na bukod sa nagbi-vape sa loob ng sinehan ay wala ring keber na nag-i-Instagram Stories kahit nagsimula na ang screening ng pelikula.

Imbiyerna ang direktor sa maangas at feeling cool na aktor, na hindi marunong lumagay sa lugar.

Ang kaibahan kay beteranang aktres ay wala namang nabuwisit sa ginawa niyang ‘yon.

Pero kung may mga younger actor na naka­kita sa ginawa ng aktres ay baka pamarisan siya ng mga ito at naging masamang ehemplo pa siya, sa halip na siya ang magturo ng tamang asal sa mga ito!

Solenn nahuling may kalampungang ibang lalaki

Natawa kami sa dayalog sa amin ni Solenn Heussaff na, “Nakaka­pagod siya!” patungkol sa ­hunky husband niyang si Nico Bolzico na ­sobrang kulit at palaging mataas ang energy.

Ang sabi sa amin ni Solenn, mabait na misis siya kahit palaging sinasabi ni Nico na bullied husband ito. Ang totoo ay siya raw ang bullied wife, na totoo naman dahil sinasakyan niya lahat ng kabaliwan ng mister niya.

In all fairness, ang daming naa­aliw sa SosBolz dahil ang saya-saya nila sa bahay bilang natural na ko­medyante nga si Nico. Si Sos mismo ay naa-amaze sa asawa niya dahil kuhang-kuha nito ang humor ng mga Pinoy.

Minsan ay hindi raw siya natatawa sa mga IG post ni Nico, pero gets na gets ‘yon ng mga netizen at sobrang natutuwa ang mga ito sa mga kalokohan ng hubby niya.

Tsika sa amin ni Solenn, may ilalabas sila soon na parang miniseries na one-minute videos na panay kalokohan lang na gawa mismo ni Nico.

Excited nang maging pregnant si Sos, pero maloloka raw siya dahil sobrang kulit ni Nico at ng aso nilang si Pochola. Nakuha raw kasi ni Pochola ang ugali ng asawa niya, so baka hindi niya kayanin ang dalawa ‘pag nagbuntis na siya.

Next year gustong ma-­preggy ni Sos, pero ayaw niya itong i-jinx. Wait na lang daw niya kung kailan darating ang baby dahil depende rin daw ‘yon sa mga ovary niya.

Kati-katerang nobya ni Dingdong Dantes ang karakter ni Solenn na si Abigail sa Kapuso primetime series na “Cain at Abel.”

Hindi pa siya nakuntento kay Dong kaya nahuli siya nitong may kalampu­ngan na ibang lalaki.

May pagkakontrabida ang role ni Sos, na medyo ma-drama at intense, so doon daw siya medyo hirap. Hindi kasi siya ma-drama na tao at maging sa totoong buhay ay ayaw niya ng drama.

Unang naka-work ni Solenn si Dong sa “Alyas Robin Hood” habang ang isa pang bida ng “Cain at Abel” na si Dennis Trillo ay ilang beses na niyang nakasama sa pelikula.