Sino itong beterana at award-winning actress na napraning dahil sa corona virus?

Dati-rati raw kasi magiliw ang senior actress sa kanyang mga kasamahan sa set. Lagi raw itong bumabati sa kanyang mga katrabaho.

Pero ngayon daw, nag-iba na ang ihip ng hangin.

Ipinagbabawal na nito ang mga bumebeso-beso sa kanya .Pati handshake raw ay taboo sa kanya.

Kung may gusto rin daw may kumausap sa kanya, may bilin daw ito na idaan muna sa kanyang dyulalay at iyon ang magbubulong sa kanya.

Mas feel na lang daw nito ang kaway-kaway kaya may mga nawe-werduhan sa kanya.

Gusto rin daw nitong ipatupad ang ‘no touch’ policy kaya feel nitong magpa-dobol sa ilang mga eksena dahil takot siyang mahawahan ng NCov.Buti na lang may community quarantine kaya nganga rin ang beauty niya sa shooting.

Obsessed din daw ito sa paghuhugas ng kamay kaya kompleto lagi ang sanitation kit ng kanyang alalay from sanitizer, tissue at alcohol.

Sino ito? (Archie Liao)