Ni Aster A. Amoyo

Maglalabing-isang taon na ring wala sa Pilipinas ang dating “That’s Entertainment” member at actress na si Beth Tamayo. Naka-base siya ngayon sa San Francisco, California, USA. Doon na rin siya nagtatrabaho.

Nakilala niya ang kanyang American fiancé na si Adam Hutchinson na almost three years na niyang kasintahan. The two got engaged nu’ng nakaraang October 13, 2020. Isa umanong intimate wedding ang plano nilang gawin sometime in May next year.

It was in December 2008 nang sabay umalis ng Pilipinas si Beth kasama ang kanyang Chinese-American ex-husband na si Johnny Wong. Nanatili sila sa Hong Kong nang dalawang linggo at saka tumuloy ng New York City, USA. Pero hindi umano nagustuhan ni Johnny ang buhay sa New York kaya ito umalis. Naiwan doon si Beth.

Una silang nagkakilala sa Guam, USA. May guest appearance doon ang aktres habang si Johnny naman ay may-ari ng isang casino sa nasabing lugar.

Dalawang taon ding niligawan ni Johnny si Beth hanggang sagutin siya ng aktres. Unang nagpakasal ang dalawa sa isang civil wedding rites sa bahay ng actress na si Sylvia Sanchez .Double wedding ang naganap sa dalawang aktres.

Ang naturang civil wedding was officiated ng mayor pa noon ng Pagsanjan, Laguna, ang actor-politician na si E.R. Ejercito. Ito’y nasundan ng isang grand church wedding nu’ng May 30, 2004 na ginanap sa Christ The King Church sa Green Meadows.

Pero totoo ang kasabihang “some good things never last” dahil pagkaraan ng ilang taon ay nagkahiwalay rin ang mag-asawa.

Namasukang babysitter sa Tate

Aminado si Beth na hindi naging madali ang kanyang buhay sa Amerika. Sa simula, nag-stay umano siya sa kanyang sister sa Long Beach, California pero nagdesisyon siyang lumipat ng New York. Sandali siyang nakita sa bahay ng kanyang best friend na si Arni de la Cruz na tumagal din ng walong buwan.

Hindi ikinakaila ni Beth na nagsimula umano siyang babysitter ng isang Columbian couple na may dalawang anak. Parehong babae na may edad 5 at 2 ang inalagaan niya sa araw. Naging cashier din siya ng Victoria’s Secret sa evening shift. Pagkatapos nito ay natanggap siyang office manager ng isang investment company.

Muli siyang nagpalit ng trabaho sa Global Strategy Group hanggang mapunta siya sa Government of Singapore Investment (GSI) where she works as executive assistant. Namalagi siya sa nasabing kompanya in New York sa loob ng halos pitong taon. Nakalipat siya sa branch nito sa San Francisco nu’ng 2016.

While in New York ay nagkaroon siya ng boyfriend doon, si Alexander Gredysa pero hindi umano ito sumunod sa kanya nang mag-relocate siya sa San Francisco, California kaya sila nagkahiwalay.

In San Francisco ay doon naman niya nakilala ang kanyang fiancé na si Adam Hutchinson. Nag-propose ito sa kanya ng marriage nu’ng sumali si Beth sa Chicago Marathon in October.

Hirap nang magka-baby

At 42, aminado si Beth na mahihirapan na siyang magka-baby sa normal na pamamaraan. Kinu-consider na rin nila ng kanyang partner ang sumubok sa IVF (in vitro fertilization) procedure.

Hindi nagkaroon ng anak si Beth sa kanyang ex-husband.

Sumabak sa marathon race

Sa hikayat ng kanyang dalawang close gay friends sa New York ay nakumbinseng sumali ng iba’t ibang marathon race si Beth. Sinimulan niya ito sa London na sinundan sa Berlin, Germany, Chicago at Boston.

On March 1 ay lilipad si Beth patungong Tokyo, Japan para lumahok sa Tokyo marathon. Sasamahan siya ng fiancé niyang si Adam. Pagkatapos nito ay magbabakasyon sila sa Phuket, Thailand.

Goal talaga ni Beth na makasali siya sa anim na major marathon in the world. Pang-anim niya ang pagsali sa Tokyo.

Bonding kay Juday

Samantala, si Judy Ann Santos ang best friend ni Beth. Kahit magkalayo sila sa isa’t isa, madalas pa rin silang mag-communicate. Nagkikita sila kapag nasa America si Judy Ann.

Ang tatlong anak nina Juday at Ryan Agoncillo na sina Yohan, Lucho at Luna ay inaanak lahat ni Beth. Isang patunay ng kanilang close friendship.

Although may times na nami-miss ni Beth ang showbiz, adjusted umano siya sa kanyang buhay sa Amerika. Sang-ayon siya sa kasabihang “there’s no place like home.”

Still on Beth, na-link ito noon kina Niño Muhlach at Romnick Sarmenta.