Tinapos ng isang ginang ang buhay nito sa pamamagitan ng pagbigti dahil umano sa hindi pagpabor ng mga anak niya sa kanyang nobyo.
Tinukoy ng Dumalneg Police ang 53-anyos na ginang na isang negosyante at residente ng Brgy. San Isidro ng nasabing bayan.
Natagpuan ang ginang na nakabitin sa bubungan ng kanyang kuwarto gamit ang nylon cord noong Sabado. Bago umano ang pagpapakamatay, hindi pumabor ang mga anak ng biktima sa boyfriend nito at mula noon ay hindi na kinakausap ang pamilya.
Isinugod pa ang ginang sa pagamutan ngunit idineklara na itong dead-on-arrival.
Tinitingnan ngayon ang posibilidad na maaaring sama ng loob ang dahilan ng pagpapakamatay ng ginang.