Dear Dra. Holmes: (shortened Jan. 12 letter)
Konting time agad ako na-in love sa bf ko dahil malambing at sobrang galing magsalita. Alam ko mahal na mahal niya ako sa mga ginagawa niya para sa amin. Pero ilang buwan lang nag-iba na siya, ‘di na madalas ang text at tawag, ‘di na din ako pinupuntahan. Sinabi niya ‘di niya daw kayang sabay ang relationship namin, trabaho niya at asawa niya. Naghingi siya ng space.
Pakiramdam ko ginamit ako sa dami ng ginawa na namin sa ilang buwan namin relasyon, pero tahimik kong tinanggap ‘yon. Bakit ganyan ang trato niya sa akin?
Shiela
Dear Shiela:
Maraming salamat sa sulat mo na una nating pinublish nang buo noong Sabado. Doon sinabi ko na ang karamihan ng mga lalaki ay may pilosopiyang ‘easy come, easy go.’ Alam kong mabait kang babae, may puri at integridad, at hindi ka lang basta-bastang sumasama sa iba. Pero ang karamihan ng mga lalaki, kapag nakuha ka na nila ay iba na ang tingin sa iyo, lalo na kung alam nila na alam mong may asawa sila. Tila ba iniisip nila ay ‘kung magawa mo ito sa lalaking may asawa, malamang madali para sa iyo gumawa ng ganito sa kahit sinuman.’ Alam ko ‘di ka ganitong klaseng babae. Alam ko na talaga kang na-in love sa kanya. At bakit hindi? Akala mo rin na mahal ka niya. Pero madalas iba ang takbo ng isip ng mga lalaki sa babae. Mas maaga mong matanto ito, mas mabuti para sa iyong peace of mind.
Dearest Shiela, Napakahirap tanggapin na iniwan ka, pero inaasahan ko na, in time, maka-move on ka. Ang lalaking ganito, na napakababaw at mali ang pilosopiya ay palagay ko, hindi titigil lokohin ang ibang babae kung kaya niyang gawin ito. So suwerte mo talaga na nalaman mo ang kaniyang tunay na pagkatao kaagad. Sana alagaan mong mabuti ang iyong sarili, Shiela. Nagmamahal—MG Holmes
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante at TONITE. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa Walang Echos sa Abante TONITE facebook tuwing Huwebes, 7 pm.