Hindi kilala ng magaling na beteranang actress na si Jaclyn Jose si Philmar Alipayo, ang napapabalita umanong boyfriend ng ­kanyang anak na si Andi Eigenmann na isang champion surfer.

“I don’t know him. Hindi ko siya kilala,” aniya.

Hirit pa niya, hindi rin daw siya nagtatampo kay Andi kung hindi pa nito ipinakikilala sa kanya ang bagong rumored boyfriend.

“Hindi naman ako nagtatampo. I just hope that she makes the right choice this time,” paliwanag niya.

Clueless nga raw siya na may ipinalit na si Andi sa boyfriend nitong si Emilio Arambulo.

Hindi pa rin daw sila nakakapag-usap ni Andi sa naging breakup nito kay Emilio.

Gayunpaman, bilang ina, suportado raw naman niya ang anak sa mga desisyon nito.

Hindi rin niya ikinaila, na for a time ay naging boto rin siya kay Emilio pero hindi na raw relevant na pag-usapan ito dahil umamin na ang unica hija niyang hiwalay na sila nito.

Si Jaclyn ay nasa cast ng MMFF movie na “Fantastica” kung saan magpapakuwela siya bilang nanay ni Vice Ganda. (Archie Liao)