BFF inatado

Kaso ng 3-anyos na napatay sa buy-bust sinisiyasat

Todas ang 44-anyos na lalaki matapos pagtatagain ng kanyang matalik na kaibigan sa Barangay Pugaro, Manaoag, Pangasinan noong Biyernes.

Sa kanyang ulat kay Pangasinan Police Provincial Office acting director P/Col. Redrico Maranan, kinilala ni Manaoag Police Station (MPS) deputy commander P/Capt. Manuel­ Garcia Jr. ang biktima na si Ricardo Gomez, ng Brgy. Pugaro sa na­sabing bayan.

Ang nakakulong namang suspek sa MPS jail ay si Rigor Rosario, kapitbahay ng biktima at matalik na kaibigan nito.

Sa report, bago ang pananaga ay pinagbintangan umano ng biktima si Rosario na bina­bato ang kanyang bahay (Gomez) kaya sinugod sa bahay ng suspek ang biktima.

Dito’y nagkainitan na ang dalawa hanggang sa kumuha ng jungle bolo ang suspek at walang sabi-sabing pinagtataga ang bff.

Dead-on-arrival sa pinakamalapit na ostipal si Gomez dahil sa malalalim na sugat sa kanyang katawan mula sa otso-pulgadang pa­nabak.

Sinabi naman ng suspek na nagawa lamang niya ito sa biktima dahil bukod sa pinagbintangan siyang nama­mato, siya rin umano ay pinagmumura at binantaang papatayin ang pamilya nito. (Allan ­Bergonia)