Iniutos ni Interior and Local Government Sec. Ismael Mike Sueno sa Philippine National Police (PNP) ang pagsusumite ng umano’y mga pangalan ng mga barangay officials na sangkot sa iligal na droga at iba pang katiwalian.
Ayon kay Sueno, layon nito na kaagad matanggal sa puwesto ang mga barangay officials na sangkot sa iligal na droga at katiwalian.
Paliwanag ni Sueno, utos na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para mapalitan ang mga nabanggit na barangay officials.
Sa kabila nito, bagaman umaabot na umano sa 42,065 na mga barangay ang apektado ng iligal na droga, kumpiyansa si Sueno na mas marami pa rin ang mga matitinong barangay officials.
So ibig sabihin Yung maliliit na officials ng bansa ay tanggal agad agad.. samantalang Yung malalaking officials ng bansa may Hearing pa muna.. BAKIT Hindi kayo maging patas sa LIPUNAN at BATAS walang mayaman at mahirap at walang maliit at malaki dapat..
Tama yan sir. Kasi dapat sa barangay ang unang linisin kasi dyan nagsissimula ang ugat para sa mga matitinong opisyales ng ating gobyerno.
Tama! ang daming adik at pusher na barangay officials. yung iba protektor. sa mga squatter area sa maynila nagpapatayan pa.