Inginuso ng Department of Budget and Management (DBM) ang Bureau of Immigration (BI) kaya’t nababalam ang pagpapalabas ng overtime pay ng mga empleyado nito.
Ito ang sinabi ni DBM Secretary Benjamin E. Diokno kasabay ng pagtitiyak na may sapat na pondo para sa allowances ng mga tauhan ng BI na nag-o-overtime sa trabaho.
Giit ng DBM na dahil sa kabiguan ng BI na isumite ang budget request at iba pang dokumento ay hindi naipalalabas ang nasabing pondo.
Pagtitiyak ng DBM ang pagbabayad ng OT pay ay retroactive subalit katumbas lamang ito ng 30 porsiyento ng buwanang sahod ng bawat BI regular employee.
sila ang meron hawak ng pondo kaya kaya nilang bigyan ang mga sarili ng OverTime Pay-sagarin niyo na parang PDAF lang yan. wala naman makukulong diba kahit nakawin ninyo ang kaban ng bayan?? sino bang nakulong dati? kundi ang kalaban ni mar roxas na si senator bong revilla and jinggoy Estrada sa PDAF case, walang nakulong sa mga partido ni Pres.Pnoy. diba?