Itinanggi ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na empleyado nito ang isang Facebook user na nag-post sa social media sa pasaporte at litrato ng Japanese adult actress na si Maria Ozawa.

Ayon kay BI spokesperson Atty. Antonette Mangrobang, ang naturang FB user na may account name na Armee Camzon ay hindi nakalista sa roll of employees ng ahensya.

“Per records, the alleged Facebook user name Armee Camzon is not an employee of the bureau and could be a poseur,” text message ni Mangrobang sa Abante Tonite.

Sa kabila nito, hindi pa rin aniya tapos ang imbestigasyon ng BI sa nasabing kaso at maaa­ring isang fixer o travel agent ang responsable sa walang awtorisasyon na pagsasapubliko ng pasaporte at larawan ni Ozawa.

Sa ngayon, deactiva­ted na ang account ni ­Armee Camzon.

Una nito, umalma si Ozawa nang makarating sa kaalaman nito na kuma­lat ang larawan ng pasaporte nito at ID/alien card sa social media dahil sa kagagawan ng emple­yado ng BI.

“This is very wrong. Immigration is a place where people TRUST and give their private accounts, details and look what she’s done to my privacy…Posting it on her social media

. I LOVE this country and I’m doing my VERY best to stay here for good but how can I stay here for good when people like this really ­exist,” sa Facebook post ni Ozawa.