Naglabas ng bagong panuntunan ang Bureau of Immigration (BI) sa mga opisyales at empleyado ng pamahalaan na nagpaplanong magbakasyon sa labas ng bansa.
Ayon sa BI, papayagan nang makaalis patungo sa alinmang bansa ang sinumang empleyado o opisyal ng pamahalaan nang hindi na kailangan pang magpakita sa paliparan ng authority to travel mula sa departamento ng mga ito.
Sa halip, ang mga local government units (LGUs) personnel ay kailangan na lamang magpakita ng kopya ng aprubadong leave application sa immigration officer.
Samantala, nilinaw naman ng BI na ang bagong panuntunan ay hindi maaaring gamitin ng mga provincial governors at mayors ng mga highly urbanized at chartered cities kung saan kailangang magpakita ang mga ito ng travel authority mula sa DILG undersecretary na magpapatunay na pinapayagan ang mga itong makalabas ng bansa.