Bitbit nina Carlo Biado at Chezka Centeno ang bandera ng Pilipinas sa pakikipagsarguhan sa 10th World Games sa Stadion Miejski sa Wroclaw, Poland mula July 20-30.

Lumisan nitong Sabado ng umaga ang 34-an­yos na World Pool Association No. 15 na si Biado at ang 18-anyos na dating world junior champion na si Centeno para pangunahan ang four-man delegation ng bansa sa quadrennial sports extravaganza.

Ang dalawa pang pambato ng mga Pinoy ay sina muaythai artist Philip Delarmino at compound archer Ma. Amaya Amparo Paz-Cojuangco.

“We’re hoping for any color of medals,” sabi kahapon ni Billiard Sports Council of the Philippines secretary general Ro­bert Mananquil sa da­lawa nilang bets.

Ang event ay magi­ging tuneup na rin ng players para sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Aug. 19-30.

Sasabak na bukas, Miyerkules, sina Biado at Centeno sa matira-matibay na knockout eliminations.