Elech Dawa

Semplang si 2018 World 9-Ball runner-up Carlo Biado sa No. 4 sa yearend World Pool Association rankings matapos mabigong madepensahan ang 27th World Pool-Billiard Association, World 9-Ball Men’s Championship nito lang Disyembre sa Doha, Qatar.

Nakalikom si Biado ng 14,912 points sa 2018, ta­ngan ni Alexander Kazakis ng Greece ang top spot kasama ang 17,099 points.

Nakatambay sa third ang German na si Joshua Fil­ler na may 16,762 puntos habang nasa pangatlo si Niels Feijen ng Netherlands (15,100 pts.).

Hindi nakaarangkada si Biado matapos yumuko kay Filler, 10-13 sa finals ng World 9-Ball Men’s Championship.

Wala nang iba pang Pinoy cue artists ang nakasampa sa Top 20 ng World Rankings.

Nakaupo naman sa No. 6 sa WPA Rankings sa women’s side si former champion Rubilen Amit ng Pilipinas, nakapagtala ng 9,510 points nang tu­mersera rin sa buwang ito ng WPA World Women’s 9Ball Women’s Championship sa China.