Biado last Pinoy standing sa Qatar

Carlo Biado

Sumisikip ang daan ni Carlo Biado papunta sa Finals ng 2016 World 9-Ball Championship sa Qatar.

Nag-iisang Pinoy na lang si Biado, 32, sa round-of-16 ng torneo sa Al Arabi Sports Club sa Doha, kumikikig pa matapos sarguhin ang 11-4 panalo kay Jeong Young Hwa ng Korea.

Talsik si former Pinoy world champion Dennis Orcollo na yumuko kay Jayson Shaw ng Great Britain, 11-6, nagwagi si Fil-Canadian Alex Pagulayan laban kay Zhou Long ng China, 11-8 pero dala naman ng tubong Cabagan, Isabela ang bandera ng Canada.

Nakatakdang harapin ni former golf caddy Bia­do si Ko Ping Chung ng Chinese Taipei para makapasok sa quarterfinals.

Nasa last 16 ang biga­ting si Daryl “The Dazzler” Peach ng United Kingdom at Shane Van Boening ng USA.