Bianca binuking walang ‘jobless’ sa Kapamilya

Nagulat ang netizen kung bakit na-delete na ang post ni Bianca Gonzales sa Twitter na 3 buwang sahod ng mga Kapamilya ay tuloy.

Sa kabila ng pakikipaglaban ng mga ABS-CBN 2 at pagputak nina Coco Martin, Angel Locsin atbp. na wala na silang trabaho, may pasahod pa rin umano ang network sa 11,000 na empleyado.

Na-feature sa Fashion Pulis ang deleted tweet umano ni Bianca sa Twitter account na @iamsuperbianca: “ Our bosses in a live chat with employees after broadcast ended:

“For the next three months, wala pong mawawalan ng trabaho due to retrenchment.”

“Active ang lahat ng benefits, including medical, sa panahon na ito.”

“Never been prouder to be a Kapamilya.”

Maganda ang feedback sa pamunuan ng ABS-CBN kung totoo na tatlong buwan na may sahod ang mga empleyado kahit sarado. Kumbaga kampante ang mga tao nila habang inaayos ang franchise. Hindi magugutom ang mga artista at maliliit nilang manggagawa.