Bianca bumalik sa kandungan ni Miguel

Sey mo Ruru?


Ruel Mendoza

Nagdiwang ang mga tagahanga nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix  dahil mapapanood na nga ulit sa primetime ang BiGuel loveteam sa bago nilang pagsasamahan na teleserye titled Sahaya.


Gaganap bilang isang babaeng Badjao si Bianca na mapapadpad ng Maynila.Bilang Badjao ay kailangang matutong luma­ngoy nang tama si Bianca kaya naman kumukuha ito ngayon ng swimming at free diving lesson.


“May mga eksena po kami na lalangoy ako sa open sea. Kaya kailangan alam ko po ‘yung proper na paghinga at pagkilos sa tubig.


“Although nagsu-scuba diving ako, iba po iyon. Mas mahirap itong free diving,” paliwanag pa ni Bianca.


Inaral din ng Kapuso teen actress ang isang sayaw ng Badjao na kung tawagin ay Pangalay.


“Marami po akong nire-research tungkol sa katutubong Badjao. ‘Yung culture nila, paano sila nabubuhay araw-araw at ‘yung mga ginagawa nila tuwing may mga okasyon,” diin pa niya.


Dahil maraming wet look scenes si Bianca sa Sahaya, ingat din ito sa kanyang katawan. Hindi siya dapat magdagdag ng timbang at mapanatili nito ang kanyang alindog.


“Panay naman po ang workout ko kaya maintained po ang katawan natin.“Mga babaeng Badjao po kasi, mga payat sila kaya magagaling silang lumangoy at sumayaw. Kaya kailangan po ay kasing katawan ko sila habang ginagawa ko ang Sahaya.”


Ang ka-love triangle ng BiGuel ay ang StarStruck 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer.


Ay teka lang, ano kaya ang masi-sey ni Ruru Madrid, na nali-link ngayon kay Bianca? Kunsabagay, si Ruru ay si Kylie Padilla naman ang kasama sa bago niyang project sa GMA.