Bianca ‘di na maitago ang relasyon sa senador

Parang ayaw nang itago ng Binibining Pilipinas-Universe 2009 na si Bianca Manalo ang umano’y relasyon niya kay Sen. Sherwin “Win” Gatchalian.

Sa kanyang socmed account, buong ningning niyang ibinahagi ang kanilang litrato.

May caption pa itong “This thing called love” at may pasakalye pa ng mga linya mula sa “We Go Together” na naging official soundtrack ng pelikulang “Grease”.

Dahil dito, hindi nagkamayaw ang kantiyaw sa kanya dahil tila open na siya na ihayag kung anuman ang namumuong relasyon sa kanila ng solon.

Umani rin ito ng likes sa mga kapwa niya artista tulad nina Yassi Pressman, Melissa Ricks, Regine Angeles at maraming iba pa.

May mga nagsabi pang bagay sila and they could make a perfect couple.

Bagama’t wala pang pag-amin kung talagang sila na nga, marami naman ang nag-aabang kung saan hahantong ang kanilang romansa.

Dahil na rin sa post niyang ito, may mga kibitzers namang nagsasabi na bet talaga ni Bianca ang mga politiko.

Matatandaan na bago pa man siya nabalita sa senador ay na-link din siya sa Antique Mayor na si Jonathan Tan na minsang nagligtas ng kanyang buhay. (Archie Liao)