PINAG-UUSAPAN ang first time na pagsusuot ng swimsuit ni Bianca Umali. Dalagang-dalaga na talaga ang young actress. Walang kiyeme itong nagpatikim ng kaseksihan sa eksena nila ni Kyline Alcantara sa ‘Kambal, Karibal’.
Kung bakit siya naka-swimsuit at kung anong magaganap sa pagitan nila ay dapat abangan. Balitang ikakabaliw ng mga viewers ang eksenang ito.
Yasmien join sa HIV awareness campaign
DAHIL sa advocacy na ipinapamalas ng ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka,’ kinarir na ni Yasmien Kurdi ang pag-promote na matanggal ang stigma sa mga taong apektado ng HIV/AIDS. Sumali siya kamakailan sa “Fit To Love” campaign ng Love Yourself Inc., kung saan ineengganyo ang lahat na kuhanan ng litrato ang sarili para ma-empower na ipamalas ang kanilang self-worth.
Perfect timing ito para kay Yasmien dahil mas natututuhan na rin niyang alagaan ang sarili, na ibinabahagi rin niya sa kanyang mga follower at fan.
PMPC induction of new officers
PORMAL nang nanumpa ang mga bagong halal na pamunuan ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) sa harap ni Quezon City Congressman Alfred Vargas, kahapon, ika-6 ng Marso, 2018, sa Salu Restaurant, QC.
Ang bagong pamunuan ay kinabibilangan ng Abante columnist na Joe Barrameda (President), Abante Tonite Entertainment Editor Roldan Castro (Vice President), Mell Navarro (Secretary), Rodel Fernando (Asst. Secretary), Boy Romero (Treasurer), Blessie (Asst. Treasurer), Eric Borromeo (Auditor), Sandy Es Mariano (PRO), Leony Garcia (PRO), at mga Board Members na sina Mildred Bacud, John Fontanila , Fernan de Guzman, Lourdes Fabian, Rommel Placente at Veronica Samio.