Bianca may kapit sa ‘Ang Probinsyano’

May kinalaman pala si Senador Win Gatchalian kaya hindi mawala sa hit teleseryeng ‘Ang Probinsyano’ ang aktres na si Bianca Manalo.

Nabatid sa mga source ng Tonite na kinausap daw ni Gatchalian si Senador Lito Lapid na sana ay huwag alisin sa cast ng ‘Ang Probinsyano’ si Manalo.
Si Lapid ang fight instructor ng nasabing tele­serye. Pinatay ang karakter ni Lapid noong Pebrero 2019 dahil sa election ban sa mga tatakbo sa halalan.

Nanalo si Lapid noong 2019 elections at magkasama na sila ngayon ni Gatchalian sa Senado.

Noong Nobyembre 2019 ay nagdiwang ng anniversary sina Win at Bianca, ang Binibining Pilipinas Universe 2009.

Umaasa naman si Win na sana ay makasal na sila ni Bianca ngayong 2020. Kamakailan lamang ay pinost ni Manalo ang larawan nilang dalawa ni Win sa Paris kaya marami ang nagtatanong kung nag-propose na ang senador sa aktres.