Bianca, nagbabadya ang boobs

Bianca Umali

KATUPARAN ng panga­rap ni Bianca Umali ang mapabilang sa cast ng Mulawin vs. Ravena.

Nu’ng bata pa siya ay nanonood si Bianca ng Mulawin at paborito niya si Alwina, na ginampanan ni Angel Locsin sa orihinal na telefantasya 13 years ago.

Anong feeling nu’ng una siyang nagsuot ng costume ni Lawiswis, tapos ay nag-eksena na siya na may pakpak?

“Nakakaiyak po. Kasi dati, costume ko lang siya sa Halloween. Ngayon, kasama na ako sa actual cast. So, iba po talaga!

“Iba rin po ‘yung commitment ko para sa character. Lahat po ng puwede kong gawin para ma-improve ‘yung character ni Lawiswis, ginagawa ko po.

“Ngayon, focused po ako sa pagwu-workout para po makondisyon at ma-strengthen ang katawan ko. We also have acting training, fighting, language, harness, marami po talaga.”

In fairness ay babad talaga ngayon sa gym ang 17-anyos na Kapuso star.

Iisa ang pinupuntahan nila na gym nina Rayver & Rodjun Cruz at madalas namin siyang makita sa Instagram ng dalawa na nandu’n siya at seryoso sa pagwu-workout.

Eh, kumusta naman ang pa-cleavage niya sa costume niya?

“Ay! Hindi ko naman po choice ang magpa-cleavage! Ha! Ha! Ha!” natatawang sagot sa amin ng bagets.

Kahit kasi menor-de- edad pa lang si Bianca ay prominent na ang dibdib niya. Kaya medyo umaagaw ng pansin ‘yung cleavage niya.

Nagbabadya, ah?

“Well, ahmm… paano ba? Hindi ko po alam, eh! Ganu’n po kasi!” medyo nahihiya pero natatawang pakli niya.

Dalagang-dalaga na si Lawiswis. Hindi niya ba ni-request na medyo takpan ‘yung bandang dibdib niya?

“Hindi naman po. Kasi, masaya na po ako sa kung anong itsura ng costume ko. Ako po, okey lang.”

So, wala siyang problema sa gano’n?

“Wala po,” diretsong sagot ng gandarang ba­gets.

‘Sabagay, puwede naman itong takpan ng buhok o ng balahibo niya para hindi gaanong nasisilip.

Masaya ang lipad-liparan scenes niya, sabi ni Bianca.

Naalala niya na nu’ng maliit pa siya ay wish niya na sana ay ma-feel niya kung paano pinapalipad ang mga Mulawin.

Ang ginagawa niya, sa arm rest ng sofa ay pumapatong siya para kunwari ay lumilipad siya.

Ngayon ay naka-harness na siya at gumaganap na siya bilang taong-ibon na lumilipad-lipad. Kaya sobrang saya niya dahil childhood dream niya ito.

Si Miguel Tanfelix na nagbabalik bilang Pagaspas ang kapareha niya sa kung tawagin niya ay ‘dream show’ niya.

Aniya, ang bait sa kanya si Lord kaya ang dami niyang pinapahalagang bagay ngayon dahil ang ganda ng mga dumarating sa kanya.

Kasama niya ba sa dream show niya ang dream boy niya (na si Miguel)?

“Hindi ko pa po alam. Wala pa po ako du’n, eh. Sagutin ko next time ‘pag may dream boy na.

“Hindi pa nga po nanliligaw eh, dream boy na? Ha! Ha! Ha!”

Puwede na bang manligaw sa kanya?

“Not yet. Alam naman po niya (Miguel) ‘yon. ‘Pag nag-18 na,” naka­ngiting sey ni Bianca, na super-excited na eere na ang Mulawin vs. Ravena sa Mayo 22.