Bianca namamangka sa paraiso

Masarap pagmasdan ang Instagram post ng aktres na si Bianca King nang nagbakasyon siya sa El Nido, Palawan kamakailan.

Dito’y makikita si Bianca na ibinalandra ang kanyang kaseksihan sa suot niyang two piece bikini habang namamangka sa paraiso .Kaya naman lalong gumanda ang paligid ng naturang famous resort.

Nakagigil ang dating ng aktres kahit saan mang anggulo bistahan. Havey kasi ang tindig niya at winner ang flawless niyang beauty, makurbang katawan, at magandang mukha.

Siya ay may lahing German al.Nagsimula sa showbiz noong dalagita pa lang bilang model para sa print ads at TV commercials.

Kakaiba ang lakas ng sex appeal ng aktres. Marahil dahil sa taglay niyang Pinay at foreign blood. Bunsod ng taglay niyang kariktan, ang tipo niya ang kalolokohan ng mga kalalakihan.

Walang dudang bibilis ang tibok ng puso ng sino mang barako na makakasilip sa hotness ni Bianca. Nakapaglalaway ang kanyang awra at tunay na nakakauhaw ang kanyang masabaw na alindog.

Ang kaakit-akit na porma ng tisay na aktres ay sapat na panggising sa pagkalalaki ng mga barako. Kung katulad ni Bianca ang magtatampisaw sa dagat sa taglay niyang kariktan, sinong kalahi ni Adan ang hindi mapapasilip? (Nonie Nicasio)