Bianca sinorpresa ni Ruru

Marami ang nagtatanong sa real score ng relasyon nina Ruru Madrid at Bianca Umali. Naunang endorser si Ruru sa paba­ngong Ardeur de France at ngayon ay sumunod na si Bianca.

Si Ruru kaya ang nagdala kay Bianca sa Ardeur?

Anyway, masaya ang aktres sa bagong endorsement niya bago matapos ang taong ito.

Paano niya idi-describe ang signature scent niya?

“Sa akin lang po maaamoy yun alam ko. Eversince po kasi actually mayroon po ako na scent na gusto and a lot of people ask me kung ano yun and kung saan ko nakukuha, but I never share it, with Ardeur ko lang siya shinare. Gusto ko po kasi yung subtle lang pero may dating.”

Sinorpresa naman ni Ruru si Bian­ca. Expected kasi ng aktres na wala ang co-endorser niyang si Ruru .

Matapos mag-alay ng awit ni Bianca ay tinawagan ng chairman si Ruru na nasa backstage ng mga panahong iyon. Naka-live ang pag-uusap nila at tinutukso kay Bianca na papasunurin ito.

Matapos tuma­wag ay biglang lumabas si Ruru sa stage. Nagwala tuloy ang mga imbitado sa event. (Ronaline Avecilla)