Bianca todo deny na naging dyowa si Miguel

Hindi raw nagkakasawaan ang BiGuel love team nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na magkatambal na sila sa Kapuso epicseryeng “Sahaya” ay magkasama pa sila sa ginagawa nilang movie na “Family History.”

Dayalog sa amin ni Bianca, magkahiwalay sila ngayon ng taping sa “Sahaya” dahil nasa Maynila na ang karakter niya at naiwan niya sa probinsya nila si Miguel.

Mas lalo raw naging close ngayon ang BiGuel dahil ang sabi ni Bianca, iba na sila mag-handle ng mga bagay ngayon kumpara nu’ng mga bata pa sila ni Miguel. Meron na silang maturity at better understanding of things.

Mas deep na raw ang friendship at mas professional kumpara dati. Iba na sila mag-usap ngayon, mature na talaga. 19 si Bianca at 20 na si Miguel.

Hindi kaya sa bandang dulo ay sila pa rin ni Miguel? Natawa lang ang magandang Kapuso young actress.

Nilinaw ni Bianca na hindi niya naging first love o puppy love si Miguel dahil hindi raw umabot sa naging magkarelasyon sila nito. As in wala raw silang naging official na understanding.

Sa 8 years nilang magkatrabaho at magkapareha, never naging sila ni Miguel? Bakit?

“Hindi ko po alam. Aside from parehas po kasi kaming mag-isip noon pa na pagdating sa trabaho, trabaho talaga, at ‘yung factor po na lagi po kaming magkasama araw-araw at kung bakit po kami naging ganu’n sa isa’t isa, dahil po ‘yon sa work namin. Dahil sa oras na nai-spend namin together.”

Hindi kaya a few years from now ay si Miguel ang maging ‘the one that got away’ niya?

“Ha! Ha! Ha! Wala pong gano’n. Feeling ko naman po, hindi ako magkakaroon ng TOTGA,” bulalas ni Bianca.

Nakiusap ang taga-GMA-7 na huwag kaming magtanong nang personal kay Bianca, so hindi namin ito naurirat tungkol kay Ruru Madrid na balitang ka-on niya ngayon.

Girlfriend ni Miguel ang role ni Bianca sa “Family History” ng GMA Pictures na si Michael V ang director.
***

Ai Ai madalas sakyan ang asawa

Proud si Ai Ai delas Alas na malapit nang maging ganap na piloto ang mister niyang si Gerald Sibayan.

Madalas nasa Subic si Gerald dahil sa pag-aaral nito ng pagpa-pilot, pero by November daw or December ay ga-graduate na ito.

Kapag naging commercial pilot na si Gerald, ang gusto raw nitong pasukang airline ay either PAL or JAL.

Ang sabi sa amin ni Ai Ai, in fairness ay nakapagpalipad na ng eroplano si Gerald nang solo.

Nasakyan na ba niya ito?
“Siya? Madalas ko siyang masakyan! Ha! Ha! Ha! Madalas ko siyang sakyan, pero ‘yung pag-lipad niya, hindi ko pa siya nasasakyan.

“Excited ako siyempre at saka excited ako na gumradweyt siya. Kasi, ang popogi nila ‘pag gagradweyt na sila. In full uniform,” masayang pakli ng Comedy Queen.

So, sa mga namba-bash sa asawa niya, puwede niyang sagutin ang mga ito na merong natapos si Gerald at meron itong sariling career, ganern?

“Dati pa naman siyang merong career. Kasi, may business naman ‘yon at saka graduate naman ng college si Gerald. Lasalista pa siya.

“Kumbaga ngayon, sobra lang ‘yung angat ng magiging career niya. Kasi, para mabuhay niya raw ako nang matiwasay. Kasi, siyempre ‘di ba, gusto kong mag-shopping, gusto ko ng ganito, gusto kong pumunta sa ganitong lugar,” pakli ng 54-anyos na komedyana.

Malaki kumita ang mga piloto, ‘di ba? So, chance na niyang magpahinga sa pagtatrabaho kung sakali?

Biglang nagpa-girl at nag-flip ng kanyang mahabang hair si Ai Ai sabay sey ng, “Yeyy!! Hindi naman, tutulu-ngan ko pa rin ‘yung asawa ko.

“Siyempre, masarap ‘yung ako ang bubuhayin niya, pero ‘yung iba kong responsibilidad like charities ko, mga tinutulungan kong kamag-anak ko, mga kung ano-ano, siyempre hindi ko na ipapaano sa kanya ‘yon. Ano ‘to, pabigat?”

Ani Ai Ai, paggrad-weyt ni Gerald at habang naghihintay ito ng mapapasukan ay ito muna ang tututok sa AiSian Fusion restaurant nila sa Ayala Cloverleaf.

Bukod doon ay may dagdag na negosyo si Ai Ai dahil kinuha siyang endorser ng isang produkto at kasama rito ang apat na franchise niya nito, na ang isa ay sa Bulacan, isa sa Laguna at ‘yung dalawa ay hahanapan pa niya ng puwesto.

Kaya nang tanungin namin siya kung anong gagawin nila ni Gerald sa nalalapit na Mother’s Day, ang natatawang sagot sa amin ni Ai Ai ay, “Kakain kami ng siomai… ng siomai ng ina n’yo! Ha! Ha! Ha!”

Sa May 8 ay showing na ang movie niya na “Sons of Nanay Sabel” kasama ang mga anak-anakan niyang Ex Battalion.

Magaling daw ang XB sa movie, sabi ni Ai Ai.

In fairness ay matutuwa raw ang fans ng mga ito na mapanood ang grupo na umaarte sa pelikula.

Nasa Kapuso primetime series rin si Ai Ai na “Kara Mia” at natutuwa raw siya sa karakter niya ritong si Reynara na kontrabida raw pala.

Ang kapwa niya engkanto na si Mike Tan ang lagi niyang kaeksena rito.