Dear Atty. Claire
Itatanong ko lang po nagbabalak po kasi kaming mag-asawa na bilhin ang lupa na paghahatian pa ng mga kapatid ni papa. Paano po ba ang gagawin pagka nabayaran na namin yun. Ihihiwalay daw po yun.
Ano po mga kailangan o lakarin sabi kasi ni Papa wala pa titulo yun pero nasurvey na noon pero sabi wala pa daw po papel pero sa kanila pong magkakapatid yun.
Salamat!
Veverly
Ms. Veverly,
Huwag ka munang bibili ng walang maliwanag na papel na maaaring ma-transfer sa inyo. Katulad nyan.. ang sabi mo ay wala pang titulo at wala ka naman hawak na kahit na ano tulad ng tax declaration o yung basehan ng bayaran ng amilyar ng lupa.
Bago bumili ay ipahanap muna o trace mo ang rights ng magbebenta sa iyo ng lupa. Pangalawa, ipahati mo muna yang parte na bibilhin mo dahil masakit sa ulo yan kapag di pa nahati at walang definite sa portion o location ang binibili mo dahil di rin yan mapapatituluhan kahit mabayaran mo pa pag di malinaw ang portion na binili mo. Pag nabayaran mo na yan ay ikaw na ang magkakaroon ng problema na mahati iyan at baka di na sila mag ambag sa gastos sa pagpapahati ng lupa.
Kumpletuhin mo muna ang lahat ng dokumento katulad ng sinabi ko bago magbitaw ng malaking halaga. Dapat malinaw ang usapan kahit kamag anak pa ang kausap mo.
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 245 o 85142143 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com