Mga laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:30 p.m. — Alaska vs. Blackwater
6:45 p.m. — Star vs. Ginebra
Iniskor nina Jay Washington at Yousef Taha ang pang-ungos na tatlong puntos sa endgame samantalang parang Bicol Express si Terrence Romeo na hindi napigil sa pagharurot ng 33 points at tinakasan ng GlobalPort ang Rain or Shine, 101-99, sa Petron Blaze Saturday Special ng PBA Governors Cup sa Ibalong Centrum for Recreation sa Legazpi City kagabi.
Nasa unahan ang Elasto Painters tapos ng 2-pointer ni Beau Belga, 99-98, 54 seconds na lang sa ballgame bago dumating ang jumper ni Washington at split ni Taha para sa historic first out-of-town game victory sa 10 laro ng Batang Pier sapul nang mag-PBA noong 2012.
Kaya naging backgrounder lang din ang milestone ni Paul Lee na naging third RoS player na naka-3,000 points sa franchise history. Tumapos si Lee ng 11 sa laro.
Naka-40 si Romeo sa Dubai noong isang taon bago ang hot shooting kagabi.
Hottest team sa season-ending conference sa kasalukuyan ang GlobalPort sa paglista ng third consecutive win at sinamahan sa sixth place ang idle Phoenix Petroleum at ang biniktima sa 3-4.
Sablay ang panabla at panghatak sana ng overtime na jumper ni Dior Lowhorn sa final 2 seconds.
Pumasan para sa Batang Pier si Michael Glover ng 18 points at 14 rebounds para sa Batang Pier, umayuda ng 16 si Stanley Pringle at tumapos ng 11 si Washington.
May 21 points si Lowhorn, 17 si Belga at 10 si Chris Tiu sa E-Painters na nanganganib ang paghahabol sa top four finish sa elims na may twice-to-beat advantage sa quarters.