Bicol, red alert na sa LPA

Inilagay sa red alert status ang buong rehiyon ng Bicol dahil sa nagbabanta ritong low pressure area (LPA) sa susunod na 48 oras.

Ayon kay Office of Civil Defense in Bicol Director at Regional Disaster Council chair Claudio Yucot, ang red alert warning ay bahagi ng paghahanda nila para sa LPA na inaasahang magdadala ng malakas na pag-ulan at mga pagbaha sa kanilang lugar ngayong June 10 hanggang June 12.

Inabisuhan din ang mga local disaster council na magtayo ng mga holding area at choke point para sa mga trak at bus na patungo sa mga major sea port sakaling lumakas ang LPA bilang tropical depression. (IS)