Umaapela pa rin ng tulong ang ilang mga lalawigan sa Bicol Region na sinalanta ng Bagyong Nina.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, mas malala at mas mabigat ang pinsalang iniwan ng bagyong Nina sa kanilang bayan kumpara sa nakaraang bagyong Reming kung saan marami rin sa mga residente ang nawalan ng tirahan.
Ilan sa mga bayan sa Albay na lubhang napinsala ay ang Polangui, Libon, Oas, Tiwi at Malinao.
Bumigay ang mga dike sa Bangag, Calzada at Oas, nasa 70% umano ng mga kabahayan ang lubhang nasira samantala 72% ang nasayang na pananim na malapit na sanang anihin.
Humihingi si Salceda ng dagdag na tulong para sa kanyang mga kababayan pangunahin na ang pagkain, tubig, de-lata, gamot at toiletries.
Maaari aniyang ipadala ang mga donasyon at tulong sa kanilang operation center sa Greenhouse, Polangui, Albay.
HAHAHA SI ALING LENI NAGTINDA NG LUGAW SA AMERIKA PARA MAY SIDELINE…..HAHAHAH
yung pangalawang leader nang Pilipinas asan ba?…..^_^…..
nagpapasarap parin ba sa New York?
bakit hanapan mo si linie, may budget ang malacanang dyan at wala kay linie. kaya nga sobrang laki ng budget ni duterte. bakit wala na ba siyang karapatan na magbakasyon? trabaho yan ng DSWD at DILG tungkol sa kalamidad dahil nasa kanila ang pera.
Ano ang ginagawa ni Leni sa America? Di ba siya puwedeng maghingi ng abuloy ke Loida para sa mga kababayan niya sa Bicol?